Ano Nga Ba Ang Kahalagahan Ng Buhay
Ano nga ba ang kahalagahan ng buhay
1. Life can make impossible things
Kadalasan sa mga palabas o sa tuwing nagkakaroon ng delubyo sa realidad tulad ng bagyo kahit na imposible nang sagipin ay ginagawan parin ng paraan.Ito ay dahil sa ang bawat-isa ay may hindi nasusukat na kakayahan kung gagamit ng numero.Hindi natin batid kung ano ang pwedeng kahantungan ng bawat-isa sa atin sa pamamagutan ng tingin o pagtitig lamang .Maaaring ang isa maimbento ang time-machine at ang isa madiskubre kung paano maging ginto ang bawat metal.No one knows baka ikaw ang taong babago sa mundo?
2.Life gives a life and sometimes can prolong it.
Dahil nga sa panlipunang nilalang tayo hindi natin kayang mabuhay nang wala ang isat-isa sapagkat katulad ng ibat-ibang cells sa ating katawan may ibat-iba rin tayong tungkuling sa ating lipunan.Nabubuhay tayo para sa isat-isa.Hindi makagagamot ang doktor kung wala ang mga isda at kanin na pinaghihirapang hulihin ng mga mangingisda at anihin ng mga magsasaka .Hindi rin naman makapagtatrabaho ang mga mangingisda at magsasaka kapag may mga malalalang sakit sila at hindi nagpapagamot sa doktor.
3.Life is priceless and limited edition.
Maraming tao ang gusto pang mabuhay o gusto pang humaba ang buhay kaya isipin mo na ang buhay ay limited edition bihira lang ang taong mabuhay nang matagal o manatiling buhay kaya pahalagahan mo ang sa iyo na parang nanali ka ng milyun-mlyung piso kahit na higit pa ito roon.
Comments
Post a Comment